Voice Acting

    Paminsan-minsan, ang mga SuperTuxKart developers o mga independent na mga artista ay nangangailangan ng tulong sa voice acting para sa laro. Kadalasan ay para ito sa mga gamit tulad ng boses ni Nolok sa introductory na mga cutscene, pero ang Isla ng Gran Paradiso ay tumatampok ng isang airport announcer, na, kapag nakinig ka ng mabuti, ay isang satirical na easter egg.

    Hindi naming kailangan ng voice acting sa lahat ng oras, pero huwag-magatubiling i-check ang forum sa anumang voice acting requests. Kung umaangkop ka sa mga kinakailangan sa ibaba, ang voice acting ay isang madali at nakakatuwang paraan upang matulungan ang proyekto.

    Nilalaman

    Mga Kinakailangan

    • Hardware. Sa pangkalahatan kailangan mo ng isang mahusay na mikropono para mag-record. Ang phone at tablet na microphone ay kadalasan na mababang kalidad at baka hindi maganda. Ang laptop microphone naman ay kadalasang hindi mabuti, lalo na sa lower-end na mga machine. Hindi mo kailangan ng equipment na naghahalaga ng libong-libong dolyares, gayumpaman. Ang karamihan sa mga headset na may kasamang mikropono ay magiging sapat na kalidad.
    • Software. Kailangan mo ng software na kayang mag-record ng audio, tulad ng Audacity.
    • Kakayahan sa wika: Kakailanganin mong mahusay na basahin/bigkas ang ibinigay na script, na karaniwang nasa English. Kasalukuyang hindi sinusuportahan ng sistema ng localization (l10n) ng SuperTuxKart ang localized na audio.
    • Kakayahang magsalita: Depende sa mga kinakailangan ng character na nangangailangan ng voice acting, maaaring kailanganin na gayahin ang mga espesyal na accent. Ito ay nagdaragdag sa pagiging kumplikado ng pagsasalita para sa mga hindi katutubong nagsasalita, sa kasamaang-palad.

    Pangkalahatang Impormasyon

    • Mangyaring sundan ang lahat ng espesyal na requests na ginawa ng orihinal na poster.
    • Kailangan mong i-license ang iyong mga recording sa ilalim ng mga libreng lisensya na itinukoy sa Pag-lilisensya na pahina.
    • Hindi mo kailangang i-post-process o i-adjust ang mga recording sa sarili mo. Sa totoo lang, isang magandang ideya ang pag-post ng mga raw na recording at kumuha ng mga feedback bago gumawa ng anumang mga adjustment. Kapag hindi mo alam kung paano mag-adjust/dumagdag ng mga effect sa recording, OK lang, may maraming tao na tutulong sa forum.
    • Mangyaring gumamit ng isang lossless na audio compression tulad ng FLAC o kaya walang compression (WAV). Sa bawat oras na ang isang file ay nai-compress sa isang lossy na codec tulad ng Vorbis o MP3, nakakawala ito ng kalidad.