..:: Maligayang pagdating sa Mascot Kingdom! ::..

    Mga Kart, Nitro, Aksyon! Ang SuperTuxKart ay isang 3D at open-source na arcade racer na may iba’t ibang character, track, at modes na laruin. Ang aming layunin ay lumikha ng isang laro na mas masaya kaysa makatotohanan, at magbigay ng kasiya-siyang karanasan para sa lahat ng edad.

    Sa Story Mode, kailangan mong harapin ang masamang Nolok, at talunin siya para maging ligtas muli ang Mascot Kingdom! Maari kang makipagkarera mag-isa laban sa computer, makipagkumpitensya sa ilang Grand Prix cup, o subukan talunin ang iyong pinakamabilis na oras sa Time Trial mode. Maari kang makipagkarera, makipaglaban o maglaro ng soccer kasama ang hanggang 8 na kaibigan sa isang computer, maglaro sa isang local network o maglaro online kasama ang ibang manlalaro sa buong mundo.

    Pangunahing Tauhan

    Tux

    Tux

    Ang bayani ng SuperTuxKart, si Tux ay isang matapang na penguin na dapat ay iligtas ang kanyang kaibigan, si Gnu, mula sa masasamang kamay ni Nolok. Si Tux ay ang maskot ng Linux.

    Gnu

    Ang matalinong tagapagturo ni Tux, si Gnu ay nakasakay sa isang lumilipad na karpet at naninirahan nang mapayapa sa isang pagoda. Kapag nahuli siya ni Nolok, susubukan ng buong kaharian na iligtas siya. Si Gnu ay ang maskot ng GNU Project.

    Gnu

    Nolok

    Nolok

    Ang kontrabida ng SuperTuxKart, si Nolok ay palaging gumagawa ng isang uri ng masamang plano sa loob ng kanyang nagniningas na lava castle.

    Mga karagdagang Tauhan

    Sara

    Sara

    Si Sara ay isang makapangyarihang mago, at ang pinuno ng Mascot Kingdom. Siya ay nakikipagkarera gamit ang isang dalubhasang snowmobile. Siya ang maskot ng OpenGameArt website.

    Wilber

    Si Wilber ang opisyal na cameraman na nagtatrabaho para sa WTXB-TV para mag-record ng mga karera ng kart, na napakasikat sa Mascot Kingdom. Siya ang maskot ng GIMP.

    Wilber

    Puffy

    Puffy

    Nakikipagkarera sa Puffy upang kumita siya ng sapat na pera upang matupad niya ang kanyang pangarap: upang bumili ng submarino. Siya ang maskot ng OpenBSD project.

    Pidgin

    Ang kakayahan ni Pidgin na lumipad ay ginagawa siyang perpekto upang maihatid ang mga resulta ng Grand Prix sa paligid ng Mascot Kingdom. Siya ang maskot ng Pidgin.

    Pidgin

    Godette

    Godette

    Si Godette ang maskot ng Godot at tunay na tech girl. Hindi siya makikita nang wala ang kanyang kaibigan, si GDBot, isang robot na kanyang ginawa at na-program sa kanyang sarili. Magkasama pa sila sa isang kakaibang tandem kart.

    Amanda

    Si Amanda ay nailigtas ng mga monghe nang matagpuan nila siya sa isang basket bilang isang cub. Siya ngayon ay nagtuturo ng sinaunang sining ng karera sa isang monasteryo. Siya ang maskot ng Window Maker.

    Amanda

    Emule

    Emule

    Ang superyor na kaalaman ni Emule sa mechanical engineering ay nagpahintulot sa kanya na bumuo ng sarili niyang kart gamit ang turbocharged engine. Siya ang maskot ng eMule.

    Suzanne

    Ang pakikipagkarera ang pangarap ni Suzanne mula pagkabata. Sinimulan niya ang kanyang racing carrier sa prestihiyosong Kart Academy ng Val Verde. Siya ang maskot ng Blender.

    Suzanne

    Gavroche

    Gavroche

    Si Gavroche ay isang goblin na nagmamayari ng Ravenbridge mansion. Minsan siyang gumagawa ng mga nakakatakot na ingay, na niloloko ang mga tao na isipin na ang bahay ay minumulto. Siya ay ang maskot ng MediaGoblin.

    Hexley

    Sinimulan ng mga ninuno ni Hexley ang kart racing maraming taon na ang nakalilipas, at henerasyon pagkatapos ng henerasyon, naging napakahusay nila dito. Siya ang maskot ng Darwin.

    Hexley

    Xue

    Xue

    Gustung-gusto ni Xue na tumayo mula sa karamihan, at ang kanyang hindi pangkaraniwang kart ay sumasalamin dito. Siya ay nakikipagkarera sa isang espesyal na hovercraft, na sapat na maliit upang himukin ng isang mouse. Siya ang maskot ng XFCE.

    Konqi

    Habang ang mga sinaunang ninuno ni Konqi ay delikado at takot, ang mga dragon ngayon ay hindi nakakapinsala… halos lahat. Siya ang maskot ng KDE project.

    Konqi

    Adiumy

    Adiumy

    Sinimulan ni Adiumy ang kart racing nang mapagtanto niyang napakaikli ng kanyang mga binti para maging isang soccer star. Bagama’t ang iba pang mga mascot ay minsan ay pinagtatawanan ang kanyang lakad na gumagalaw, siya ay lubos na iginagalang bilang isa sa mga pinaka mahuhusay na mga tsuper ng karera sa kaharian. Si Adiumy ay ang maskot ng Adium.

    Kiki

    Unang ginuhit ng isang Krita user si Kiki para sa isang manwal na pagsasanay, ngunit sa sandaling na-print na ang manwal, nagpasya si Kiki na tumalon sa mga pahina at makipagkarera sa buong mundo gamit ang kanyang pen-powered na eroplano. Si Kiki ang maskot ng Krita digital painting program.

    Kiki

    Pepper

    Pepper

    Si Pepper ay isang maliit na mangkukulam na mahilig makipaglaro sa kanyang pusang si Carrot. Nag-alab ang kanyang sigla sa karera nang tulungan siya ng kaibigang si Kiki na ibagay ang kanyang walis gamit ang nitro injection system at custom na mga tip sa tambutso. Si Pepper ang pangunahing character ng Pepper & Carrot project.

    ...At marami pang iba!

    Pwede kang gumawa ng sarili mong mga character, track at arena at ibahagi ang mga ito sa komunidad ng SuperTuxKart! Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagpunta sa online.supertuxkart.net.

    Kung interesado ka maari mong itignan ang pahina ng komunidad.

    Mga tuntunin at kundisyon