..:: Pag-donate sa SuperTuxKart ::..

    Kapag nagustuhan mo ang SuperTuxKart at gusto mong tulungan ang proyekto, o para lang magpasalamat, pwede kang mag-donate para tulungan kami! Maari kang mag-donate sa pahinang ito o “bilhin” ang laro sa pamamagitan ng aming homepage sa Itch.io.

    Tinutulungan kami ng mga donasyon na pahusayin ang laro, maari itong gamitin para bumili ng hardware, file hosting, distribution services, mga server para i-host ang mga website, pagbabayad sa mga artist upang makagawa ng pinahusay na likhang sining, at marami pang iba. Maaari kang matuto nang higit pa tungkol sa aming patakaran dito.

    Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin kung mayroon kang anumang mga tanong o problema!

    Ginagamit na ngayon ng SuperTuxKart ang itch.io para makatanggap ng mga donasyon. I-click ang “Download Now” na button at mapipili mo ang halaga ng iyong donasyon.